Palagi akong sumasakay ng tricycle, jeep, fx
at kung anu-ano pang mga sasakyan,, in short wala akong sasakyan. Hinde kasi ako mayaman eh , pero dream ko din nman na magka- kotse pero siguro maatagal pa yun. Nakaka-asar lang kasi kung minsan akala mo ready to go ka na, tapos wala ka palang pamasahe, ang sakit sa puso at sa bulsa nun, hinde mo alam kung san ka kukuha ng pera pamasahe, daming temptation sa paligid, katulad ng 123, very famous yan sa mga studyante, naaalala ko nga nung High School pa kami ng mga kabarkada ko, madalas naming ginagawa yun na huwag magbayad sa jeep, ibat-ibang dahilan, ibat-ibang paraan ng pagtago at pagdedma sa driver na nagtatanong kung sino yung hinde pa nagbabayad, kasi ang pasahero niya lang nung oras na yun lima lang, nung sumakay kami napuno namin yung jeep, eto naman si manong akala magbabayad lahat, kaya yun, ilang beses din
kaming nasisigawan na ” magabayad na kayo” pero kami wala pa din, di kami natitinag sa aming pagkaka-upo. Naalala ko din nung isang beses, bumaba ako ng jeep tapos bigla akong sinigawan ng driver na ” Hoy! Bayad mo!! P— — ka!! Ako siyempre deadma lang, pero kabado din ako, malay ko ba kung bigalang bumaba yun di ba? Meron pa nga, isang beses nakasabit ako sa jeep, eh bababa na ako sa kanto namin, hinde huminto yung jeep, luamalampas na ako that time sa kanto namin, bigla kong naisipan na tumalon sa jeep, buti na lang hinde ako nasugatan, at buti na lang din na walang kasunod na jeep, kung merong kasunod na jeep malamang nasa hospital ako at malamang komang na ako. Madami pa akong kwentong 123 sa jeep, pero kaninang umaga, medyo nangyari sa akin yung pumasok na ang inaakala mo na may pamasahe ka, pero pag tingin mo ng coin purse at wallet mo wala ka pa lang pera. Ang hirap mangutang ng walang mautangan, nag-aabang ako ng mga taong pede kong utangan, pero andn pa din yung hiya mo na alam nila na may pera ka pero bakit ka nangungutang, may mga nakita akong tao pero nahiya ako na magutang kasi hinde kami close, sabi ko nga kay Lord, ” Lord, isang tao lang na kakilala ko na close ko at yung pede kong utangan, baka nman meron kayong ipadal dito, sige na please…” ayun, i decided na sumakay ng jeep, nagawa ko na naman yung 1-2-3, pero, sabi ko kapag nakita o ulit siya, babayaran ko na lang siya ulit, sana magkita kami..hehehe.. Dahil dun ang daming nangyari dahil sa pagkawala ng 20 pesos ko na barya sa coin purse ko, na-late ako sa office, hinde ako nagbayad sa jeep,
kulang yung naibayad ko sa tricycle, at meron din nman na kagandahan na nagyari saken, Mejo sosi nga lang ang almusal ko, nag-chowking ako ng hinde oras, dahil nung nag-withdraw ako 1000 yung nirelease ng machine, kaya kailngan kong magpapalit, buti na lang naawa saken yung cashier na tanggapin yung pera ko para may pamasahe lang ako,. Hay, next time dapat laging may extra money para in-case sa mga ganitong pangyayari may nakareserba ka na pedeng mapagkuhaan, sabi nga sa kasabihan, ” Kapag may isinuksok, may madudukot”.
Filed under: Uncategorized


