Ano ba ibig sabihin ng cool off?
Ayon sa aking pagsasaliksik ito ay isang uri ng bagay na kung saan gingamitan ito ng matinding pagpapasya kung ikaw ba ay tutuloy o ikaw ay nagnanais na may matutunan. Pero kung tatagalugin mo nga naman ang bawat salita ay magkakaroon ka ng kahulugan na ” Lamig na Patay” which came from the Latin word na Lamiyeg which means, Palamig at “off” na galing sa supermarket, na nagkakahalaga na P94.50, anyway, ang salitang ito ay ginagamit sa iba’t-ibang paraan, at iba’t-ibang bay-bay, halimbawa kung ikaw ay may isang kaaway at nais mo itong patahimikin, pede mong sabihin na “Cool Pare! Off lang muna..”, madaming gamit ang salitang ito pero san ba talaga siya nababagay?
Seryoso na, (ting-ting-ting-ting-ting-ting, tinenen nenen nenen,..) ang salitang ito ay hinde naangkop tuwing sasapit ang araw ng mga puso, dahil isang karamdaman ang iyong matatamo kapag ginamit ninyo ang mga katagang ito.
Pero bakit ba kailangan ng cool off sa isang relationship? According to Webster, maraming dahilan, katulad ng mga ito:
1. Upang may matutunan tayo sa mga pagkakamali natin sa ating sarili.
2. Upang maunawaan natin ang iba.
3. Upang maresolba ang mga sitwasyon na pinagmumulan ng dengue ay hinde pala, ang pinagmumulan ng away at hinde pagkakaunawaan.
4. Upang malaman ang mga posibleng solusyon sa at gawan ng aksyon ang mga pagkakamali sa buhay.
5. At higit sa lahat upang mapatatag ang samahan ng bawat isa.
Based sa pocket book ni Hilda Olvidado, ang cool off ay kataga ng magkasintahan ng pagbabadya na ang inyong relasyon ay nagkakaroon ng mga bagay na ikasisira at maging susi ng inyong paghihiwalay. Kaya kung ayaw mong marinig ito, puwes ayusin mo ang buhay mo at gumamit ka ng “Papa Cologne” para hinde ka hahabol-habol sa iyong iniirog.
Filed under: Uncategorized
Papa cologne??? yun ba talaga ang solution sa cool off???
bakit kelangan pa ang cool off kung di nyo na kaya??? bakit kelangan mag cool off upang marealize ang mga nakalista…bakiiiitttt?? bbbaakkkiiittt???..hahahha, bitter?
hahah. hinde nman,, pero kailngan lang din talaga minsan sa buhay ang mga katulad ng mga ganyan para matuto..Pero sa tingin mo tama nman di ba?
tama nga ba??? di ko din alam eh…
depende sa sitwasyon yun at syempre,…sa reason.
Siguro, sa sitwasyon din, kasi di ba baka naman hinde lang talga magkaintindihan kaya kailngang magpalamig..Pero it defends pa din sa inyo yun..