Ayoko sanang mag-blog for balentayms kasi dami ko ng nababasa sa net na mga stories about sa pag-ibig, ligawan at kung anu-ano pang bagay. Actually hinde ako sweet na tao, hinde ako yung tipo ng tao na gagawin ang lahat ma-please ko lang ang isang girl o kahit na sino, hinde din kasi ako mahilig magbigay ng mga flowers or chocolate, in-short kuripot ako, ay este hinde pala, hinde ko lang talaga trip magbigay ng kung anu-ano kasi ako more on doing dahil mas nakakatipid ka dun..hehe.:) kuripot talaga no?? Pero ngayong balentayms hinde ko alam bakit ang super corny ng mga tao, at super corny ko din. Kagabi kasi nagdadrive ako around 11 pm, napunta ako sa kung saan-saan para maghanap ng mabibilihan ng bulaklak (Ayaw daw eh no pero naghahanap), may nakita kasi akong guy na bumili ng flowers worth P1000, pasimple akong nakatingin sa kaniya habang kinakausap niya yung GF niya. Iba kasi yung feeling at reaction niya habang kausap niya yung GF niya, bigla akong na-curious kasi sobrang mahal ng P1000 para sa isang flowers na magtatagal lang ng ilang araw, pero siguro mayaman lang talaga din siya. After nun, finally nakapili na din ako, kinukulit na kasi ako ng tindera kung ano daw yung kukunin ko, nakapili ako ng isang rose worth P50, sabi ko ok na to, inisip ko lang din na parehas naman yung feeling siguro namin na masaya yung magiging reaksyon ng taong pagbibgyan namin after na maibigay yung aming mga regalo. So drive na ulit ako papunta sa bahay ng kaibigan ko, kinatok ko pa siya ng gabing iyon para mangaroling ay hinde pala, para ibigay sa kaniya yung yung valentine gift ko sa kanya. Masaya naman siya sa binigay ko, na-appreciate niya nman kung ano yung regalo ko sa kaniya. Tama nga yung naisip ko habang binibili ko yung bulaklak.
Pero ang tanong ko lang bakit ba Feb 14 ang valentines? Hinde pala, bakit kaya ganun kapag LOVE talaga yung pumasok sa buhay ng isang tao gagawin mo talaga lahat ng kaya mong gawin kahit yung mga bagay na sa tingin mong ikahihiya ka na ng mga magulang mo at ikahihiya mo mapasaya mo lang yung taong mahal mo. Masarap magmahal kahit minsan corny man ang mga bagay na yun, pero mas magiging makulay ang inyong pagsasamahan lalo na ng taong minmahal mo at mamahalin mo pa ng lubos, ang masakit lang kung ginawa mo na ang lahat, tapos sasabihin sayo, HINDI IKAW eh.. SORRY…hahahahhha.. tamaan na ang tamaan, peace tayo.. Sakit nun no?
Filed under: Uncategorized
ouch…it hurts..wahahha….yah…but you should also love yourself so that indi ka masaktan ng lalo….i dont believe in valentines….you can give flowers naman any time or day.
Tama ka jan! Dapat hinde lang dahil may okasyon kaya mo gagawin yun, kaya ako parang normal lang din talaga..
isang achievement para sakin ang makatapos ng ganito kahabang post…salamat naman at may na-achieve ako ngayong araw…hahahha..
wokei lng yan….sabi nga nila kahit masakit, “its the thought that counts”.
…tsk, pero masakit talga yun…