Tanong Pagkatapos ng Eleksiyon..

1. Ano ba ang kahihinatnan ng marmuming eleksiyon?

A. Magulong sistema

B. Magulong Buhay

C. Yayaman ang mga nanalo

D. Letter A-C

E. None of the above.

2. Ano ang epekto ng Vote Buying?

A. kikita ang mga tao na nabayaran

B. Magkakaron ng pang-inom ang mga tambay

C. Magkakaron ng guardian Angel ang mga nabayaran

D. Letter A-C

E. None of the above.

3. Ano ang magiging bunga ng pandaraya?

A. Panalo sa eleksiyon

B. Sira-sirang relasyon

C. Lulubog ang bayan.

D. Letter A-C

E. None of the above.

4. Hanggang saan aabot ang pera na binayad ng mga kandidato?

A. 1 araw

B. 2 Araw

C. 1 Linggo

D. 1 oras

5. Saan makikita ang balota?

A. sa Ballot Boxes

B. hawak ng Poll clerk

C. Nasa labas ng pinto ng presinto at inaabot sa mga taong bumoboto

D. All of the above

Yan ang mga posibleng tanong ng mga tao kung ikaw ay concern sa bayan at sa kapwa mo. Ikaw na ang bahalang sumagot sa mga tanong na yan. Answer it correctly.

Congrats and Thank you!!!

thank_you_card2.jpg

Yan ang maririnig natin sa lahat ng mga nagwagi sa kahit anong paligsahan maging sa quiz bee, sa mga beauty pageant or any activities na pede nating salihan. Magandang pakinggan, masarap sa pakiramdam at lalong dagdag angat sa ating mga karangalan.medals.jpg

Pero minsan mahirap din ang mga ganung sitwasyon, dahil sa sobrang karangalan, sobrang mga galing sa bawat bagay, mga gintong medalya na napanalunan sa kahit anong mga paligasahan, at kung anu-ano pa, minsan ang lahat ng mga ito ay nababaliwala dahil sa kanilang matinding pag-asam pa ng mas mataas na kapangyarihan.

Madaming tao sa ngayon ang hinde makunteto sa kung anong meron sila, marami ang naghahangad pa ng mas mataas na kapangyarihan, maraming bagay na pwedeng pagkakakitaan at kung anu-ano pa. Nakalulungkot lang isipin na karamihan sa mga tao na naging ganito ay nababaliwa nila ang kanilang Moral Values, at minsan nawawalan na ng dignidad sa sarili, katulad lang ng mga ilang tao na naging sikat sa ibat-ibang larangan, pero dahil sa hinde paggamit nito sa tamang paraan sila ngayon ay binabatikos at ang masakit pa noon sila na mga dating hinahangaan at tinitingala sila pa ngayon ang nasasakdal sa kung anu-anong mga kaso na kanilang kinabibilangan, katulad lang nina Paris Hiltonparis_hilton.jpg, Kobe Bryant, pawang sikat sa kani-kanilang larangan at mga kakayahan ngayon sila ay nagkaroon ng mga kaso dahil sa mga pansariling kagustuhan.Si Michael Jackson na nakasuhan ng pangmumulestiya ng mga bata.039_30399michael-jackson-posters.jpg

Si Erap erap_with_iltom_small.jpgna isa sa mga magigiting at magaling na artista, noong napasama sa pulitika, ginamit ang kaniyang katanyagan upang manalo bilang presidente, ngunit dahil sa pansariling interes at at sa paggamit sa kaniya ng mga taong nasa paligid niya, napatalsik siya sa kaniyang puwesto bilang presidente dahil sa pangungurakot daw ng yaman ng ating bayan.

spiderman.jpg

Congrats and thank you pa kaya kung ganito din ang maranasan mo?

Marahil kung ginamit lang nila ang kanilang katanyagan sa mgandaang paraan at sa tamang paraan, siguro hinde sila magiging ganun kagaya ng ilan sa mga kilalang tao tulad nila manny pacquiao, Michael Jordan, Gary V. at kung sinu-sinu pang mga kilalang mga tao, na naging maayos ay kanilang pamumuhay at magiging magandang modelo sila sa mga bawat tao lalong lalo na sa mga kabataan.

Magandang makita na ang mga kabataan ang nagbabago ng sitwasyon sa ating magiging kapalaran, dahil tayo rin ang susunod sa mga yapak ng ating mga magulang, huwag lang sana tayong padadala sa init ng sitwasyon lalo na sobrang pulitika sa ngayon, sa pagiging bulag sa opinyon ng iba, at sa pagtanggap sa katotohanan na dapat nating naisin ang pagbabago sa ating sarili at sa ating bayan.

Madami tayong magagawa, huwag nating sayangin ang bawat minuto sa pag-iwas sa mga isyu, at sa mga paninira sa bawat isa, gawin natin ang tama at naayon sa gusto ng Diyos. At higit sa lahat, anumang kapangyarihan, karangalan at karangyaan na meron tayo sa ngayon, huwag tayong tatalikod sa kung sino tayo at kung saan tayo nagmula, ilapat natin palagi ang ating mga paa sa lupa, at higit sa lahat huwag tayong makakalimot tumawag at magpasalamat sa Diyos..

 

PANO KUNG TALO??

Bawat tao ay naging abala noong katatapos lang na eleksiyon. Madami sa kanila ang nanlumo dahil sa sila ay isa sa mga natalo, nawalan ng loob dahil sa hinde ang mga ibinoto nila ang nanalo, ang ilan ay nadismaya dahil sa maruming botohan, at ang isa sa mga ito ay ang makita ang mga tao na nagpapabayad sa konting halaga at pansamantala na kanilang makukuha, at ang masaklap pa dito pati ang mga kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan ay isa rin sa mga nangunguna sa pagbili ng boto at pananakot, at kung anu-ano pang mga stratehiya para lang makuha nila ang loob ng mga tao.

Saksi ako sa eleksiyon noong May 14, dahil isa ako sa mga tao na tumtulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng eleksiyon, subalit ngayon, kitang-kita ko ang mga bulungan, abutan ng mga papel sa mga taong boboto upang iyon ang kanilang isulat sa kanilang mga balota, mga taong akala mo’y tinutulungan ka, pero ang nais nila na habang kayo’y naglalakad unti-unting pinagdidiinan nila ang mga kasama nila na kandidato na siyang dapat na iboto. Ngunit, kahit na may mga taong ganun ang mga ginagawa, nakatutuwang isipin na ang ilan sa mga ito ay bumoto ng tama, at naayon sa kanilang kagustuhan na sa tingin nila na ang mga tao na ito ang siyang makakatulong sa pang-angat at pag-unlad ng aming barangay. Pero, iilan lang sila sa libu-libong mga botante na nagkaroon ng lakas ng loob na gumawa ng ganong desisyon, ang karamihan ay inuna nila ang kanilang pansariling interes at pansamantalang sagot sa kanilang pangangailangan.

Panu kung natalo sila? Matatanggap kaya nila ang kanilang paglatalo? Makakatulog pa kaya sila ng mahimbing? Makakakain pa kaya sila ng tama sa oras? Palagay ko hinde na, dahil minu-minuto maiisip nila ang pagod sa kanilang pangangampanaya, mga taong pinagkatiwalaan na sila ang iboboto at sa huli sila ay nagamit lang dahil sa sila ay nabayaran na ng ibang tao, at higit sa lahat, may mukha pa ba silang ihaharap sa mga taong kanilang pinangakuan na sila ay mababayaran sa pagod at hirap na kanilang ginawa. Mahirap, masakit, nakakadismaya at sobrang panghihinayang ang kanilang mararamdaman, ngunit, ang taong gumawa ng tama, madaling matatanggap ang kanilang pagkatalo, dahil sa ang alam nila, sila ay nasa tamang landas, gumawa sila ng tama at higit sa lahat nagtiwala sila sa ating Diyos. Marami rin akong nakilalang lumahok sa halalan na hinde umuwing luhaan, bagkus, mas tumaas pa ang kanilang dignidad sa kanilang sarili at ang tingin ng mga bawat tao, dahil sa sila ay gumawa ng tama at naayon sa kagustuhan ng Diyos.

Sana nga sa susunod na taon, ay maging maayos na ang aming barangay, tahimik, payapa, at higit sa lahat hindi maging pugad ng kasamaan. Nawa’y ang lahat ng mga nanalo sa halalan na ito ang magsilbing mga modelo hinde sa kasamaan, kaguluhan, at kung anu-ano pa, maging sa kabataan man o sa mga mas nakakatanda, maging simbulo sana sila ng pagbabago, at pag-unlad ng bawat barangay at sa ikagaganda nito.

Ang Eleksiyon ay isang araw lang, kung may mga taong nasaktan dahil sa kani-kanilang mga opinyon, tayo ay magtulungan, huwag tayong maghilaan pababa, dahil hinde yun susi sa mga bawat problema. Huwag tayong padadala sa mga tukso sa paligid natin, upang tayo ay umasenso at umunlad hinde lang sa buong barangay pati ang ating pagkatao ay lalong lumago. Huwag tayong maging abuso sa kapangyarihan na meron tayo ngayon, dahil sa ang lahat ng ito ay mga panandalian lang, huwag nating gamitin ito sa kasamaan at mga pansariling interes. Naalala ko yung famous phrase sa Spiderman na “ GREAT POWER, COMES GREAT RESPONSIBILITY”, tayo ay responsible sa bawat hakabang na ating gagawin at higit sa lahat, kahit anong plano mo kung hinde natin isinama ang DIYOS lahat ng mga plano niyo ay mababaliwala…Kaya naiisin natin ang pag-angat ng Moralidad at dignidad n gating barangay..

Kwentong Panaginip..

dreaming-copy.jpg Bawat tao ay nananaginip, siguro kapag napa-sarap yung tulog, o di kaya naman habit na talaga nila na managinip. Ako hinde ko alam kung habit na ba o masarap lang talaga ang tulog ko, napansin ko lang na kapag anim na oras ang haba ng tulog ko madalas may panaginip akong naalala, sabi nga ng isang kaibigan ko, na ang bawat tao ay mayroong 83 dreams kada gabi, pero hinde naman ako sure sa numbers kasi hinde ko nman na mabilang kapag ako’y natutulog, pero ang sabi lang niya ang madalas mong matatandaan ay ang huling tatlong scenes sa mga panginip natin. Katulad kaninang umaga, nanaginip ako na ako daw ay nasa roof top namin, kasama ko ang ilan sa mga kabarkada ko sa kalye namin, at kami ay nagkukuwentuhan ng may isang lasenggero na bumati sa akin at may hawak siyang malaking isda pulutan daw nila, pero sa sobrnag tuwa ay hinagis niya ito sa bubong at hinde niya namalayan na may mga tao na nandun sa bubong. Hanggang sa magismula na yung away, sagutan, at humantong sa batuhan at suntukanfight-night-round-3-screenshot-_1-copy.jpg at dahil dun unti-unting nasira yung bubong, bumigay yung kisame at ako kasama ng mga barkada ko kami ay pinipilit namin na huwag na sila mag-away o mapigilan na namin ang kanilang Royal Rumble sa bubungan ng kapit-bahay namin, biglang pumasok sa isipan ko na mambasa ng tubig, naghanap ako ng timba na may tubig at sinumalan ko na silang basain, habang binabasa ko sila bigla akong nagising dahil 7am na, oras na para mag-asikaso para pumasok sa trabaho. Bitin no? Hirap talaga pag nabitin ka, lalo na’t andun ka na sa climax ng istorya yung tipong andun ka na sa kasarapan ng panood mo biglang nagbrown out, kaya yun pinilit kong matulog ulit at balikan kung ano na ba yung nangyari sa kanila,gusto ko lang malaman kung masyado bang nasira yung bahay dahil sa sobrang dami ng tao na nandun sa bubong at sa mga batuhan nila kung may namatay na ba o mga sugatan lang ba sila, pero hinde ko na talaga naibalik yung panaginip na yun, dahil iba na ang nasa isip ko that time. Alam niyo isa lang yun sa dami ng panaginip ko gabi-gabi na hinde ko pa nakakalimutan sa ngayon. Bigla ko tuloy naalala yung isa sa mga kakaibang panaginip ko, malapit kasi noon magbalik tanaw sa 9-11 tragedy. Habang nanonood ako ng TV bigla lang siyang na-commercial sa National Geographic, yun kasi yung madalas kong panoorin sa TV bago matulog kapag walang magandang palabas sa HBO or any channel sa cable. Nanaginip ako ng isang story na katulad sa 9-11tragedy-9-11-twin-tower.jpg bombing, but the set-up is ako ay nasa tabing ilog, kasi taga Pasig ako kaya kitang-kita ko yung Ilog Pasig. Nasa roof top ulit ako nung time na yun, meron lang akong iniisip nun kaya mag-isa lang ako na naka-upo at bigla ko na lang napansin na parang tumataas yung level ng water sa Ilog, and then suddenly biglang gumuho ang isang building sa gilid ko, nakita ko kung paano siya tumumba at kung paano siya humampas sa ilog, at hinde lang yun, may dalawang building pa ang bumagsak, isa sa harap ko at yung isa sa mejo malayong lugar pero malapit pa din sa Ilog Pasig. Ang tubig sa ilog ay biglang umapaw at ang mga bahay ay pinasok ng tubig at ako ay muntik ng tangayin ng tubig, salamat na lang kay ka ernie sa kaniyang Baron Super Antennabaron.gif, dahil yun ang nakapitan ko para hinde ako tangayin ng malakas na tubig pabalik sa ilog. Weard no? pero what if kung biglaan ngang mangyari yun, kailangan na natin na maglagay ng Baron Antenna para may makapitan tayo in- case of flood:).. Pero siyempre panaginip lang yung kaya parang masaya pa ako na nakita ko na ganun, siguro kung sa totoong sitwasyon yun, Dasal na siguro ako ng dasal na sana makaligtas ako dun sa ganoong sakuna na..Anyway nung nagising ako parang isang adventure trip yung nagawa ko, as-in para akong nag-mountain climbing or any adventurous na sport. Hay, isa lang ibig sabihin nun, ang sarap matulog lalo na pag-umuulan katulad ngayon at masarap matulog ng mahaba. Sa uulitin, kapag may panaginip akong mga kakaiba, share ko ulit sa inyo…Matulog ng tama sa oras at haba ng tulog para managinip din kayo, malay niyo horror yung sa inyo, mas exciting yun di ba??

 

Ang Pasko ay Sumapit…

Ang Pasko ay sumapit, tayo ay magsi-awit…… Yan ang mga kantang nagbabadya na malapit na ang pasko..Masarap lumabas at magpunta sa mga malls at sa mga lugar na makakapag-relax ka talaga. Masaya talaga ang preperasyon sa tuwing sasapit ang pasko, nandiyan ang pagdedecorate ng mga bahay at pagtayo ng mga christmas tree.

Ngayon meron kaming christmas tree, pero hinde naman siya ganun kalakihan, sa tuwing nakikita ko yun ako ay natutuwa dahil sa iba ang espiritu at ang pakiramadam ko kapag malpait na ang pasko, dati kasi nung bata ako kasing laki lang ng 1 taon na bata ang ang aming christmas tree, kaya ngayon kapag nakikita ko ang aming di kalakihan na christmas tree, napapa-isip ako na mejo umasenso na din kami kahit papaano, siguro dahil na din sa pagsusumikap ng aming pamilya at ng mga magulang ko. Noong bata pa ako naaalala ko pa dati sa tuwing nangangaroling ako parati namin na kinakanta yung “ang pasko ay sumapit” at “we wish you a merry christmas” at siyempre at ang panghuling kanta namin kapag ang liit ng binibigay sa amin ang walang kupas na kantang ” thank you, thank you ang babarat ninyo, thank you..!”, madami kasi kami na magkakasama kung mangaroling kaya minsan pang kendi lang yung kinikita namin sa pangangaroling. Dati din nung ako ay bata pa, madalas akong nagkakapera, dahil sila tatay at mamay laging nilalagyan yung medyas ko na nakasabit sa ding-ding namin dahil sabi nila nilalagyan daw ni Santa Claus yung medyas ko ng pera sa tuwing ako ay matutulog, kaya laging ang aga kong matulog, dahil sa ang alam ko ay may ibigay sa akin na pera si Santa paggising ko kina-umagahan, yun pala ay style lang pala nila yun para patulugin ako ng maaga. Ngayon, masarap lang balikan ang mga ganung alaala na minsan lang magdadaan sa buhay natin, dahil sa ngayon ang kadalasan na ginagawa na natin ay ang mag- Mall, manood ng sine, lumabas kasama ang barkada, at minsan inom nman. Pero, iba pa din talaga ang Pasko sa lahat ng okasyon, kasi ang mga taong bihira lang magsimba ay napapasimba tuwing simbang gabi, nagkakaroon ng panahon ang mga tao na bumalik sa Diyos. Kaya siguro nagiging masaya ang mga araw na yun dahil nagkakaroon ng bigayan ng materyal na bagay at higit sa lahat bigayan ng pagmamahal sa isa’t-isa. Sana pasko na lang lagi, para maka-alaala ang mga tao na magsimba, mag-ukol ng panahon sa Diyos at magbigayan tayo sa bawat isa. ” At magmula ngayon, kahit hinde pasko tayo ay magmahalan…”Advance Merry Christmas” Maglibang muna tayo…

 

Ultimate Massage..

Nakakita na ba kayo ng ganito?

astig-ha338.jpg
Yan ang epekto ng tinatawag nilang ” Ventosa Massage “Ito ang massage na kung saan hinihigop nito ang mga lamig sa katawan ng isang tao. Ganito ang proseso nito:

STEP 1. Kumuha ng isang baso, papel at panindi. At sindihan ang papel.

astig-ha330.jpg
STEP 2. Kunin ang Baso at dahan-dahan na ilagay sa loob ng baso ang umaapoy na papel.

astig-ha328.jpg
STEP 3. Ilapat ng maayos ang baso sa katawan upang hinde kayo mapaso.

astig-ha323.jpg

STEP 4. After 5 min. tanggalin na ninyo ang baso.

Then, magkakaron na kayo ng mga marka sa katawan na katulad ng nasa likod ko.

 

Yan ang”Ventosa” Massage. Nakita ko lang kasi siya sa palabas na Trip na Trip, tapos ng tanungin ko yung kasama ko na nanonood nung mga oras na yun, naisipan ko bigla na gawin din namin ang ganung klaseng massage, pero siyempre hinde naman siya expert kaya hinde niya maiwasan na magkamali, at dahil na din sa kalikutan ko kaya napaso din ako. Payo lang sa mga nagbabalak ng ganitong paraan, gawin niyo ito ng maayos at sa talagang may alam at bihasa sa paggamit ng paraan na ito. Adios!!

 

Buhay Bata…

 

Hay naku! nakaisip nnman ako ng kung anu-ano, lalo na ngayon panahon ng pasukan, naalala ko yung mga panahon na pumapasok ako sa eskwela, nakakmiss talaga yung mga paglalaro namin ng mga pitsa habang walang klase, patintero, black 123, at tagu-taguan, ha?? taguan?? JOKE lang, mahirap kasi pag nagtaguan kasi yung iba umuuwi na agad!!! joke lang…

kinder-ako.jpg

Yan ang picture ko nung kinder pa ako…

Alam niyo masarap talagang maging bata, lalo na pag pasko, daming regalo, daming napapamaskuhan, pero hanggang dun na lang yun, nasa alaala na lang sila… Drama..huhuhuhuhu….. :( ( Pero masaya din kapag unti-unti ka ng nagkaka-edad, katulad nung nasa highschool na ako, tinigil ko na yung paglalaro ko ng pitsa, pero black 123 hinde pa, hehehe,, enjoy kasi eh.. Simula nung highschool dun ko natutunan na mag ka-crush, dami ko ngang crush nun, pero puro hanggang tingin na lang sila, kasi dami nakapalibot sa kaniya,,, hay!!
kalimutan na nga lang natin yun, naaalala ko pa siya, eh hinde ko na nga alam kung nasan na siya… hay….! There was a time na I felt I’m a celebrity, kasi that time when I was part of the Dance Group kung tawagin ay “Zimpol Guyz”, dun ko nalaman na may talenty pala ako sa pagsayaw, at di lang yun naging friendly pa ako in a good way naman..

One thing na thankful ako, eh yung napasama ako sa isang Youth Group na nagdeveloped sa aking mga talents.. yun eh nung napasali ako sa Parish Youth Ministry and also a memeber of a group called Tahanan ng Panginoon, dun ko natutunan na magdasal talaga, at dun ko din natutunan na mahalin ang pamilya ko at si GOD.. kaya thankful ako sa Parents ko na pinalaki kami sa presensiya ng Diyos… Lalim no?

Hay,, sarap talagang balikan ang buhay bata!!! napakakulay ng buhay, ang saya at sobrang saya!!!! hahahahhahaha!!!!

Salamat……

Hapi na lang sana

 

happy.jpg

Curious lang ako, bakit sa tuwing mayroong namamatay na tao, wala pa akong nakikita na masaya, lagi na lang tayong umiiyak, di ba pwedeng masaya na lang? Linggo kasi noon nung nakipag-libing ako sa pumayapang ama ng aking brother in law, tapos nakita ko sa kanila na mayroon silang pagkakahalintulad sa amin noon, nakita ko na masaya sila sa umaga bago sila pumunta doon sa huling hantungan ng kanilang ama, pero nung dumating na ang oras na ihahatid nila ang kanilang ama sa lugar na kung saan siya ililibing, nag-iiba yung nararamdaman ng bawat tao na nandoon, lalo na ang mga anak at ilan sa mga kamag-anak, hinde ko maiwasan na maalala ang mga nangyari samen noon, sabi ko nga we have in commmon, in a sense na we lost one of our l

oved ones. Mahirap din talagang mawalan ng minamahal, lalo na’t naging malaki yung role nito sa buhay natin. Sabi ko nga sa sarili ko, bakit ba hinde pwedeng maging masaya na lang sa mga oras na yun, dahil nakapagpahinga na sila sa mga obligasyon nila dito sa mundo at sa mga mahal nila sa buhay at hinde na sila maghihirap sa kanilang karamdaman, marahil dahil din sa malaki yung naging parte nila sa puso at sa buhay natin. Kung sabagay, mahirap din talaga na biglang tanggapin na wala na ang mga taong sobra mong minahal. Wala man na sila sa pisikal na kaanyuan, ngunit sila ay laging nanatili sa ating isip at puso hanggang sa dumating yung panahon na tayo naman ang hinde makakalimutan ng mga taong minahal natin…

Astig na Tent…

Last Friday, nagkaroon ng Leadership Camp ang Youth Group namin sa Parish.. bait ko no? hehehe..It’s a leadership seminar for all the potential leaders sa parish namin. Anyway, after my work, merong mga bagay na pumipigil sa akin na tumuloy, kesyo malakas ang ulan, dahil nung mga panahon na yun ay mayroong super typhoon na ang pangalan ay “Egay” isa pa sa naiisip ko ay feeling ko papagalitan ako ng ate ko, dahil dun, hinde mapakali ang isip ko kung sasama ba ako o hinde.. After a long period of thinking, I decided na sumama sa Camp, dahil isa ako sa mga taong in-charge sa Camp kaya dapat lang talaga na sumama ako dun. When we get to the place, grabe, sobrang dilim, mapapa-isip ka talaga na may “Mumu” dun, at parang hinde ko kaya na matulog ng isang gabi lang dahil sa place at posible talaga na may mga “Mumu” dun, pero nung unang araw, salamat kasi hinde kami natulog sa tent kasi binaha yung loob at sobrang lakas ng ulan, natulog kami sa kusina at ang mga girls sa session hall. That night i was not able to sleep well, maybe because hinde na ako sanay na matulog sa ibang bahay, or maybe may kulang sa higaan ko, at malamig ang paa ko, Grabe, that night i was not able to sleep talaga, there’s a lot of things comes to my mind, the “Mumu” na iniisip ko, was actually trying to scare me that time. And when my phone alarms, I woke up, try to help my fellow staff in preparing for breakfast that we are going to eat, and then the challenging part is, we have no water.. Sabi nga nila, ” wag niyo ko kausapin dahil Bad Breath ako..” imagine I am one of them who is complaining like that.. astig-ha189.jpg

Syempre as a staff you need to do something, hinanap namin yung care taker tapos sinabi namin sa kaniya na wala na talaga kaming tubig, tapos, all participants are need to wash their face and para makapag-toothbrush na din, so they forced to find water, and eventually naisip nila na kumuha na lang sa pool. Kumuha sila dun at nakaligo na yung ilan sa kanila. We have a very wonderful stay dun not because of the place, but because of God who stayed with us during the camp, meron mang mga nagka-alergy dahil sa mga insects na nandun, nagkasakit, but we are happy that we experience that kind of life and the most thing that I am thankful, that God allowed us to know ourselves, he allowed us also to know others, and most of all he allowed us to know him more…And then i began to appreciate the place…We have our own fears, I remember an activity during the camp, the activity is walking alone, not just walking alone with flashlights, or during morning but you will walk in darkness. It means gabi sila maglalakad. The Speaker asked help from me, she said; ” Can you stay to the stations that are very dark?” Sabi ko patay, it will test my courage, and bravery.. she told me na maglagay kami ng mga kandila sa mga daraanan nila to be their guide para makita nila yung mga stations, yung liwanag lang na yun ang kanilang gabay para makapunta sa dapat nilang puntahan, Sabi ko sa sarili ko, ” Bakit ako pa? pede naman yung iba..pero maybe God knows that I am brave, pero dami talagang pumapasok sa isip ko that time na, baka may ahas na dumaan, tuklawin pa ako..Napa-isip lang ako that time na God is with me, kaya nga pinahawak niya ako ng flashlights para mawala ng konti yung takot ko, kaya yuni realized that without the light coming from God we cannot do it alone, it’s very hard, full of surprises, na hinde mo alam kung biglang babangga ka na ba o hinde pa, matatalisod ka ba o malulubog sa dinadaanan mo.We have different fears in us, but that activity lead me to realize that kailngan namin na maging matatag in every trials na haharapin namin, every challenges na mararanasan namin, that we need to be brave at maging malakas, because God is our light, and he will give us strength, he will give us courage to face all of those trials. God Loves Us, he allowed us to know our fears, and he allowed us to know ourselves, but most of all he allowed us to know him more..

astig-ha225.jpg

Astig talaga ang tent namin no? Because God is our Tent, our protector in everyday life..

Bagyo na naman…Tulugan na!!

 

typhoon-rosing.jpg

 

Bagyo na naman, siyempre pag may bagyo walang pasok, pero hinde na kasi ako nag-aaral kaya hinde ko na iniisip na kasama pa din ako sa mga taong nagsasaya dahil sa sila ay makakapagpahinga at sobrang sarap ng na matutulog..Well,, ganun talaga kapag hinde ka na studyante, pero dami din namang advantages when you are working na, syempre you have your own money to spend and meron ka ng panlibre sa mga kaibigan mo..Kaibigan nga lang ba?? Hay… Pero ang sarap lang kasing balikan kapag may ganitong panahon, naalala ko yung mga oras na laging walang pasok sa PUP kasi laging baha ang dinadaan namin papasok sa skul, yung mga kina-cancel na klase, tapos uuwi kami kasabay ang maraming studyante sa pag-aabang ng mga sasakyan, mga masasayang nagpaplano kung san yung gimik kasi wala ng pasok, at yung iba talgang umuuwi na nman. Pero isa sa mga hinde ko malilimutan eh yung naglakad kami ng classmate ko simula PUP hanggang Kalentong dahil sa wala kaming masakyan at kung meron nmang dadaan na sasakyan eh, hinde mo alam kung panu ka makakasiksik sa dami ng taong nakasakay at nakasabit sa labas ng jeep, grabe talaga yun, dumaan kami sa bahang mga kalsada na ang baha ay abot sa talampakan, isipin mo kung gaano kataas ang baha na yon, kaya sobra kaming nahirapan sa paglalakad papuntang kalentong. Naalala ko din nung nakaraang taon lang, isang bagyo din yung nakapag-pataob ng cottage namin na kawayan dahil sa sobrang lakas ng hangin dulot ng bagyong Milenyo, laking pasasalamat ko na lang dahil hinde siya tumaob papunta dun sa bubong ng bahay ng kuya ko at hinde siya hinangin ng sobra..Hay ang bagyo nga naman, minsan lang magakaron grabe naman kung minsan..Pwede bang hinde masyadong malakas yung mga bagyo??Kung pede lang nman.. kung hinde eh di HINDE!!!!

159447main_xangsane_amo_2006270.jpg

Biruin mo ganito kalaki yung sakop ng Bagyong yun!!!? Let’s Pray…..