My Valentine Hulihan.

Ito na siguro ang hinde ko malilimutan na valentines day sa buhay ko, bakit?? Super astig ang nangyari saken lunch pa lang umaapaw na ako sa pamimigay ng pera. Kwento ko lang ang matinding valentines day ko, umaga pa lang iniisip ko na kasi kung ano yung pede kong gawin after lunch or after office, then i decided to go out for lunch and meron kasi akong ihahatid lang somewhere, then habang nag-dadrive ako gamit yung motor ko, parang gusto kong umuwi at kunin yung isang helmet para kapag may back ride ako iwas huli, pero I decided not to go home kasi sabi ko sa sarili ko “try ko lang baka kasi makalusot sa mga traffic enforcer”, nung palabas na ako ng shaw blvd bigla akong pinara ng MMDA sabay sabi saken ” Lisensya mo?” so kinbahan na ako agad at pinaparada ng MMDA yung motor ko at dun na nagsimula ang ilang minutong pag-uusap na nauwi sa bayaran, nagbigay ako ng P100 para lang makaalis na at hinde na malate sa aming pupuntahan, mejo weird at nakakatuwa lang makita kung paano magdrama yung MMDA na humuli saken, parang pang teleserye ang mga linya nila katulad ng “hinde ko daw siya gustong kausapin at mas gusto ko daw kausap yung iba niyang kasama”, halong tuwa at asar ang naramdaman ko pagkatapos niyang sabihin na “ilagay mo na lang jan sa bangketa tapos umalis ka na”. Pinaalis nila ako, pero hinde ko talaga mapigilan ang sobrang inis dahil sa pangongotong nila at sa pang teleserye nilang mga linya. Para sigurado ang aming biyahe, umuwi muna ako kinuha ko yung isang helmet sa bahay at kami ng kasama ko ay umalis agad. Pagkahatid ko sa kasama ko at habang pauwi na ako pabalik sa opisina, eto na naman ang isang hulihan portion, pinara ako ng mga pulis at as usual same style tiningnan yung liscence ko at sabay sabi saken na ” Sama ka sa kaniya kasi kailangan naming irecord ang mga ganyang klaseng sasakyan kasi daming nagnanakaw ng mga sasakyan ngayon”, ako nman naniwala kasi naka-uniform tapos for record lang daw, then nung nandun ako pinakita na sa akin agad ang aking violation, nagulat ako kasi all through out ang alam ko irerecord lang then aalis na agad tapos pagdating ko dun ganun yung maririnig ko..(grrrrrrr…) So naglabas ako ng pera 200 ang binigay ko kasi nakita ko na malaki yung penalty pag hinde ko binayaran, nilapag ko yung 200 sa table then ang sabi ba naman ” Doblehin mo yan ok na!” nagulat na ako, pero ang sabi niya sa akin eh hinde naman kita hinihingian ng pera at ang sabi ba naman ” Yan ba ay kusang loob yan?” eh ang akin last money ko na tlaga ang 200 na yun, kawiwithdraw ko pa lang bago ako lumakad pero last na pera ko na yun kasi sabi ko bukas suweldo nman kaya ilabas ko na lahat, then after that wala silang inissue na ticket, tapos padadalhan na lang daw nila ako ng subpena para daw areglohin ko na lang yun sa city hall ng maynila, tapos pinaalis na lang nila ako ni wala akong pinirmahan sa log book nila. Habang paalis na ako sa presinto nagdadasal na aq sana last na yun kasi wala na talaga akong pera, Salamat sa Diyos kasi nakabalik ako ng office ng walang nanghuhli saken, then tinawagan ko lahat ng kakilala ko na may koneksyon sa City Hall, and guess what kung ano yung sinabi nila saken, “Pineperahan ka lang nun at tinatakot ka kasi gusto pa nila maglabas ka ng pera!” Yun, after hearing that mejo naging ok na ako at na-convince na lagay lang talaga ang habol nila, pero yun sabi nga ng kaibigan ko na pag pinadalhan ka, ilalaban natin yan palalabasin pa natin na sila ang mali kasi nangongotong lang yung style nila! Hay,,, nakakapagod ang valentines ko no? Super kakaiba ang mga nangyari sken na yun at first time ko kasing mahuli kaya at hinde ko talaga alam ang mga gagawin ko. Iniisip ko na lang na siguro meron din gustong ituro saken ang Diyos kaya nangyari ang mga bagay na yun..Kaya yun, ayoko na, pagod na akong ikuwento ang valentines day hulihan. Tama na yun, nalulungkot lang kasi ako yung 300 sana na pang date ko, pinang-date na ng mga pulis na humuli saken.. Bahala na si God sa kanila..hehehehe..Pero ok na ako..hahahah:)

Advertisements

Happy Valentines…tayms 100..

    Ayoko sanang mag-blog for balentayms kasi dami ko ng nababasa sa net na mga stories about sa pag-ibig, ligawan at kung anu-ano pang bagay. Actually hinde ako sweet na tao, hinde ako yung tipo ng tao na gagawin ang lahat ma-please ko lang ang isang girl o kahit na sino, hinde din kasi ako mahilig magbigay ng mga flowers or chocolate, in-short kuripot ako, ay este hinde pala, hinde ko lang talaga trip magbigay ng kung anu-ano kasi ako more on doing dahil mas nakakatipid ka dun..hehe.:) kuripot talaga no?? Pero ngayong balentayms hinde ko alam bakit ang super corny ng mga tao, at super corny ko din. Kagabi kasi nagdadrive ako around 11 pm, napunta ako sa kung saan-saan para maghanap ng mabibilihan ng bulaklak (Ayaw daw eh no pero naghahanap), may nakita kasi akong guy na bumili  ng flowers worth P1000, pasimple akong nakatingin sa kaniya habang kinakausap niya yung GF niya. Iba kasi yung feeling  at reaction niya habang kausap niya yung GF niya, bigla akong na-curious kasi sobrang mahal ng P1000 para sa isang flowers na magtatagal lang ng ilang araw, pero siguro mayaman lang talaga din siya.  After nun, finally nakapili na din ako, kinukulit na kasi ako ng tindera kung ano daw yung kukunin ko, nakapili ako ng isang rose worth P50, sabi ko ok na to, inisip ko lang din na parehas naman yung feeling siguro namin na masaya yung magiging reaksyon ng taong pagbibgyan namin after na maibigay yung aming mga regalo. So drive na ulit ako papunta sa bahay ng kaibigan ko, kinatok ko pa siya ng gabing iyon para mangaroling ay hinde pala, para ibigay sa kaniya yung yung valentine gift ko sa kanya. Masaya naman siya sa binigay ko, na-appreciate niya nman kung ano yung regalo ko sa kaniya. Tama nga yung naisip ko  habang binibili ko yung bulaklak.

Pero ang tanong ko lang bakit ba Feb 14 ang valentines? Hinde pala, bakit kaya ganun kapag LOVE talaga yung pumasok sa buhay ng isang tao gagawin mo talaga lahat ng kaya mong gawin kahit yung mga bagay na sa tingin mong ikahihiya ka na ng mga magulang mo at ikahihiya mo mapasaya mo lang yung taong mahal mo. Masarap magmahal kahit minsan corny man ang mga bagay na yun, pero mas magiging makulay ang inyong pagsasamahan lalo na ng  taong minmahal mo at mamahalin mo pa ng lubos, ang masakit lang kung ginawa mo na ang lahat, tapos sasabihin sayo, HINDI IKAW eh.. SORRY…hahahahhha.. tamaan na ang tamaan, peace tayo.. Sakit nun no?

Cool Off?

Ano ba ibig sabihin ng cool off?

Ayon sa aking pagsasaliksik ito ay isang uri ng bagay na kung saan gingamitan ito ng matinding pagpapasya kung ikaw ba ay tutuloy o ikaw ay nagnanais na may matutunan. Pero kung tatagalugin mo nga naman ang bawat salita ay magkakaroon ka ng kahulugan na ” Lamig na Patay” which came from the Latin word na Lamiyeg which means, Palamig at “off” na galing sa supermarket, na nagkakahalaga na P94.50, anyway, ang salitang ito ay ginagamit sa iba’t-ibang paraan, at iba’t-ibang bay-bay, halimbawa kung ikaw ay may isang kaaway at nais mo itong patahimikin, pede mong sabihin na “Cool Pare! Off lang muna..”, madaming gamit ang salitang ito pero san ba talaga siya nababagay?

Seryoso na, (ting-ting-ting-ting-ting-ting, tinenen nenen nenen,..) ang salitang ito ay hinde naangkop tuwing sasapit ang araw ng mga puso, dahil isang karamdaman ang iyong matatamo kapag ginamit ninyo ang mga katagang ito.

Pero bakit ba kailangan ng cool off sa isang relationship? According to Webster, maraming dahilan, katulad ng mga ito:

1. Upang may matutunan tayo sa mga pagkakamali natin sa ating sarili.

2. Upang maunawaan natin ang iba.

3. Upang maresolba ang mga sitwasyon na pinagmumulan ng dengue ay hinde pala, ang pinagmumulan ng away at hinde pagkakaunawaan.

4. Upang malaman ang mga posibleng solusyon sa at gawan ng aksyon ang mga pagkakamali sa buhay.

5. At higit sa lahat upang mapatatag ang samahan ng bawat isa.

Based sa pocket book ni Hilda Olvidado, ang cool off ay kataga ng magkasintahan ng pagbabadya na ang inyong relasyon ay nagkakaroon ng mga bagay na ikasisira at maging susi ng inyong paghihiwalay.  Kaya kung ayaw mong marinig ito, puwes ayusin mo ang buhay mo at gumamit ka ng “Papa Cologne” para hinde ka hahabol-habol sa iyong iniirog.

HOW 2 CONTROL EMOTIONS

This  would  give you guides on how to control your emotions towards your better-half,  friends,  officemates  and  all  the  people  around  you,  especially your “boss”.

The rules of practicing “ugaling langit, ugaling  kaaya-aya” :

#1  Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng  galit niya, tumahimik ka na lang muna.

#2  Walang  taong  nag-aaway  mag-isa.  Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.

#3 Ang taong galit, ‘bingi.’ If someone is angry, wala raw pinakikinggan,  so,  don’t try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil  wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.

#4  Ang  taong  galit, ‘abnoy.’ Ayon sa pastor, Biblical daw ito? because  the  Lord  said  when  He was crucified, “Father, patawarin mo sila dahil  hindi nila alam ang kanilang ginagawa.”  Modern  term  for these kinds of people are abnoys, so you better not get  angry para huwag kang matawag na abnoy.

You  should  also know and realize that the persons who make your day bad  are jewel, because you need them for you to mature.

Hangga’t andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa.  God  will  not take away those people; it’s for you to take away your bad  feelings towards them.  You’ll  know  na  mature  ka na  pag  dumating ‘yung time na hindi ka na  naiinis  sa  mga taong ito because you have learned to accept them and to  have patience with them.

#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person,  “I  will  grow  mature,”  and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.

Top 10 Reactions kung bigla kang aalis ng Pilipinas

10. Neh!!

9. Wow! Big time!

8. Di nga??

7. Lakas ng trip mo!!

6. Pabili naman ako ng chocolate.

5. Sama mo na lang ako, siksik mo ako sa maleta mo…

4. Malamig ba dun??

3. Uwian mo ako ng foreigner ha??

2. Padalhan mo ako ng pictures sa Disneyland ha!

1. Kung diyan ka masaya, edi suportahan kita….huhuhuhuhuhu…..

Makaalis ka pa kaya kung ganyan ang mga sasabihin sayo???

Makabagong Waiter..

astig-ha863.jpg

Gusto ko ng regalo….

Bawat taon, lagi akong naghahangad na makatanggap ng regalo. masarap kasi sa pakiramdam ang maktanggap lalo na kung galing pa ito sa isang espesyal na tao sa buhay mo..

Pero kung ganito yung regalo na matatanggap mo ano kaya mararamdaman mo???

astig-ha918.jpg